Ano ang maagang pagplano ng pangangalaga?
Kung ikaw ay may malubhang karamdaman, at hindi mo makayanang makapagsabi sa iba ng iyong mga mas ninanais para sa pangangalaga, sino ang gusto mong magsalita para sa iyo? Ano ang gusto mong sabihin nila?
Ang lumalang karamdaman o malubhang kapinsalaan kung minsan ay nangangahulugan na ang mga tao ay hindi makagagawa ng mga sariling desisyon tungkol sa pangangalaga sa kalusugan. Ito ay nangyayari sa mga tao anuman ang edad, at lalo na pagdating sa huling yugto ng buhay.
Sa pagsulat ng Maagang Plano ng Pangangalaga ay magagawa mong sabihin ang mahalaga sa iyo, kung hindi mo na makayanang magsalita para sa iyong sarili.
Mga benepisyo para sa iyo at sa mga taong malapit sa iyo
Ang maagang pagplano ng pangangalaga ay:
- tutulong sa pagtiyak na ang iyong mga mas ninanais tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ay nalalaman at iginagalang kung napakalubha na ng iyong karamdaman upang makapagsalita para sa iyong sarili
- may benepisyo para sa mga taong malapit sa iyo. Naipakita ng pananaliksik na ang mga pamilya ng mga taong gumawa ng maagang pagplano ng pangangalaga ay walang gaanoong pagkabahala at pag-aalala kapag hinihilingang gumawa ng mahahalagang desisyon tungkol sa pangkalusugang pangangalaga para sa ibang tao.
Ano ang tungkulin ng isang kahaliling tagagawa ng desisyon?
Kapag ang isang tao ay naghahanda ng kanilang Maagang Plano ng Pangangalaga, sila ay maaaring mag-imbita ng kanilang magiging kahaliling tagagawa ng desisyon. Kung ang tao ay mawawalan ng kakayahang gumawa ng mga sariling desisyon tungkol sa pangkalusugang pangangalaga, ang kahaliling tagagawa ng desisyon ay makagagawa ng mga desisyon para sa kanya. Ang Maagang Plano ng Pangangalaga ay magbibigay ng direksiyon at patnubay.
Ang ilang estado/teritoryo ay maaaring magpahintulot sa paghirang ng mahigit sa isang kahaliling tagagawa ng desisyon.
Ano ang kailangan kong gawin?
Maging matapat
- Pag-isipan at pag-usapan ang tungkol sa iyong mga pinahahalagahan, paniniwala at mas ninanais para sa pangangalaga sa kalusugan sa kasalukuyan at sa hinaharap.
- Magdesisyon kung sino ang gusto mong magsalita para sa iyo kung ang iyong karamdaman ay magiging napakalubha na at hindi mo na magawang magsalita para sa sarili. Itanong sa kanila kung sila ay handang maging kahaliling tagagawa ng desisyon para sa iyo.
Sila ay kailangang:
- may panahon (ang pinakamainam ay nakatira sa mismo ring siyudad o rehiyon)
- mahigit sa 18 taong gulang
- handang magtaguyod nang malinaw at matiwala para sa iyo kapag nakikipag-usap sa iyong mga doktor, iba pang pangkalusugang propesyonal at miyembro ng pamilya.
- Depende sa iyong estado/teritoryo, ikaw ay maaaring maghirang ng mahigit sa isang kahaliling tagagawa ng desisyon.
Maging handa
- Makipag-usap tungkol sa iyong mga pinahahalagahan, paniniwala at mas ninanais sa iyong kahaliling tagagawa ng desisyon at sa iba pang tao na kasangkot sa iyong pangangalaga, gaya ng pamilya, mga kaibigan, mga tagapagalaga at doktor.
- Bagama’t hindi mo kailangang humingi ng tulong mula sa isang pangkalusugang propesyonal kapag nagsusulat ng iyong Maagang Plano ng Pangangalaga, magandang ideya na isangkot ang iyong GP at iba pang mga pangkalusugang propesyonal. Sila ay makapagpapayo at makatutulong sa iyo na isulat ang iyong mga pipiliin. May ibat ibang rekisitos sa batas sa ibat ibang estado at teritoryo ng Australya, kaya magandang ideya ang paghingi ng tulong. Sa ilang estado at teritoryo ay may mga mahahalagang tuntunin tungkol sa kung sino ang makakasaksi ng mga dokumento para sa iyo.
Mapakinggan
- Isulat ang iyong mga mas ninanais. Ikaw ay makakukuha ng impormasyong nauugnay sa batas sa iyong estado/teritoryo sa advancecareplanning.org.au. Matutulungan ka ng iyong doktor sa pagsagot sa pormularyo.
- Ang isang nakasulat na Maagang Plano ng Pangangalaga/ Pag-aatas ay magpapadali ng mga bagay para sa iyong (mga) kahaliling tagagawa ng desisyon, kung kakailanganin man ito. Ito ay magbibigay sa lahat ng kapayapaan ng kaisipan, sa kaalamang ang iyong mga mas ninanais ay pinapakinggan at iginagalang.
Gumawa ng mga kopya at ipatago ito sa:
- iyong (mga) kahaliling tagagawa ng desisyon
- iyong GP/lokal na doktor
- iyong (mga) espesyalista
- iyong pasilidad para sa pangangalaga ng mga matatanda
- iyong ospital
- myagedcare.gov.au
Hindi mo kailangang bigyan ng kopya ang bawat isa, gayunman, tiyakin na may kopya ang iyong kahaliling tagagawa ng desisyon at ang iyong pangunahing doktor.
I-load ang iyong maagang plano ng pangangalaga/Pag-aatas sa iyong ‘My Health Record’ (Ang Aking Talaang Pangkalusugan) myhealthrecord.gov.au Repasuhin nang palagian ang iyong Maagang Plano ng Pangangalaga. Dapat mong repasuhin ang iyong plano kung may pagbabago sa iyong kalusugan, sitwasyong personal o pamumuhay.
Ang batas at maagang pagplano ng pangangalaga
Ang ibat ibang estado at teritoryo sa Australya ay may ibat ibang batas tungkol sa maagang pagplano ng pangangalaga. Kapag nagpaplano ng sariling pangangalaga sa hinaharap, makatutulong ang pag-unawa sa batas sa sariling estado/teritoryo. Tingnan ang advancecareplanning.org.au para sa impormasyon.
Depende sa estado/teritoryo:
- ang isang kahaliling tagagawa ng desisyon ay maaaring hirangin nang ayon sa batas bilang isang ‘kinatawan’, ‘guardian’, o isang ‘pangmatagalang guardian’
- ang Maagang Plano ng Pangangalaga ay maaari ding tawaging ‘maagang pag-aatas para sa pangangalaga’ o ‘maagang pagaatas para sa kalusugan’ at maaaring may kasamang isang ‘sertipiko ng pagtanggi sa paggamot’.
May mga tanong ka ba tungkol sa maagang pagplano ng pangangalaga at mas gusto mong gumamit ng ibang wika kaysa sa Ingles?
Makatatanggap ka ng tulong ng isang interpreter sa halaga ng isang lokal na tawag (maliban kung mula sa mga mobile) sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:
- Tumawag sa 13 14 50, Lunes hanggang Biyernes 9.00nu5.00nh.
- Sabihin ang wika na kailangan mo.
- Maghintay sa linya para sa isang interpreter (maaari itong abutin nang 3 minuto).
- Hilingin sa interpreter na tawagan ang Advance Care Planning Australia sa 1300 208 582.
- Makipag-usap sa aming kawani o boluntaryo sa tulong ng interpreter.
Saan ako makakukuha ng karagdagang impormasyon?
NATIONAL ADVANCE CARE PLANNING SUPPORT SERVICETM (TULONG SA TELEPONO NG PAMBANSANG TAGAPAYO): 1300 208 582.
Audio
Tingnan at mag-download ng aming mga pamamaraang magagamit para sa maagang pagplano ng pangangalaga na nasa Tagalog sa ibaba
MAAGANG PAGPLANO NG PANGANGALAGA PARA SA MGA INDIBIDUWA | TAGALOG
Advance Care Planning Australia
A fact sheet about advance care planning for individuals, in English and Tagalog.
MAAGANG PAGPLANO NG PANGANGALAGA PARA SA KAHALILING TAGAGAWA NG DESISYON | TAGALOG
Advance Care Planning Australia
A fact sheet about advance care planning for substitute decision-makers, in English and Tagalog.
MAAGANG PAGPLANO NG PANGANGALAGA PARA SA MGA EMPLEYADONG NANGANGALAGA | TAGALOG
Advance Care Planning Australia
A fact sheet about advance care planning for care workers, in English and Tagalog.